Patakaran at Pamamaraan ng HR [Tagalog]

Layunin #

Ang dokumentong ito ay ginawa upang tukuyin at balangkasin kung paano pinangangasiwaan ng Tonari Animation ang maling pag-uugali at mga paglabag sa NDA mula sa mga kontratista.

Pangkalahatang Patakaran #

Mga Alituntunin sa Maling Pag-uugali

Sa ibaba ay kung ano ang bumubuo bilang maling pag-uugali:

  • Paglikha at/o paggawa ng hindi kasiya-siyang pag-uugali sa server ng Tonari at/o sa iba pang mga kontratista ng Tonari
    • Mapang-insulto/mapang-abusong Salita
    • Paggawa ng mga pahayag na panghahamak at nakakainsulto
    • tsismis
    • Kapootang panlahi
  • Nabigong matugunan ang mga deadlines
    • Sa pagtanggap ng trabaho, sumasang-ayon ka rin na sumunod sa mga binigay na deadline.
  • Hindi sumusunod sa quota sa trabaho (Mga Kontratista ng Fixed Rate lang)
  • Paggamit ng iba pang asset ng kumpanya para magtrabaho para sa Tonari (Mga Computer, tablet, atbp).
  • Pagbigay ng maling impormasyon sa mga invoice sa pagtatangka ng babayaran para sa trabahong hindi kumpleto.

Non-Disclosure (NDA) Agreement Policy #

Ano ang NDA at Layunin nito? #

Ang non-disclosure agreement(NDA)ay tinukoy bilang isang legal na kasunduan sa pagitan ng hindi bababa sa dalawang partido tungkol sa paggamit at pagsisiwalat ng ilang partikular na hindi pampublikong pagmamay-ari na impormasyon.

Sa ilalim ng isang NDA, hindi maaaring ibunyag ng isang tao o entity ang kumpidensyal na impormasyon sa iba nang walang wastong pahintulot mula sa kabilang partido.

Ang layunin ng nondisclosure agreement ay lumikha ng isang kumpidensyal na relasyon sa pagitan ng Tonari Animation at ng mga Kontratista nito upang matiyak na ang impormasyon at trabaho ng kliyente ay protektado, kabilang dito ang anumang sining na nilikha ng kontratista pati na rin ang anumang impormasyon/materyal/sining sa Discord Server at Production Drive.

Pinoprotektahan din ng  NDA ang mga spoiler leaks mula sa pag-abot sa mga network ng balita, social media, at press.

Paglabag sa NDA #

Ang paglabag sa isang NDA ay napakaseryoso, at kung may nalaman ka na lumalabag sa kasunduan sa NDA o nagkakamali sa paghawak ng impormasyon sa ilang paraan, hinihiling namin kung maaari mong punan ang Anonymous Concern Box.

Tandaan: Wala kaming paraan para malaman/nasubaybayan kung sino ang nag komento sa kahon.

Kapag nangyari ang maling pangangasiwa, nangangahulugan ito na may nagsiwalat o nakakuha ng pribadong impormasyon nang walang pahintulot. Ang maling pag hawak ay maaaring mangyari sa maraming paraan:

  • Nangako ang isang katunggali ng halaga ng pera sa kontratista bilang kapalit ng impormasyon.
  • Ang kontratista ay namamahagi ng pribadong impormasyon sa isang panlabas na partido ng kalaunan ay e-bubunyag ang impormasyong ito sa publiko.
  • Ang isang kontratista ay naglalathala ng impormasyon sa publiko kabilang ang social media nang walang paunang pag-apruba.
  • Pag i-stream ng trabahong  NDA animation sa labas ng discord server ng Tonari.
    • maliban sa:
      • Striving for Animation Pro channels
      • Pag-aari ni Tonari IPs: i.e. Second Self, Sophie Komersyal
        • Tonari IPs maaaring i-stream sa labas dahil ki-nikilala namin ang kahalagahan ng pagkuha ng live na feedback o pagbabahagi ng iyong proseso sa mga komunidad sa labas ng Tonari.

Pamamaraan ng Paglabag #

Ang pagkabigong sumunod sa mga alituntunin ng NDA at/o Maling Pag-uugali ay magreresulta sa sumusunod na pamamaraan.

Strike 1 – Pag-iingat/babala

Ang pag-iingat/babala ay sinadya upang alertuhan ang kontratista na may natukoy na paglabag. Inaasahang ilarawan ng agarang supervisor ang mga inaasahan at talakayin ang mga hakbang na dapat gawin ng kontratista upang itama ito.

Mga pag suspinde

Kung gumawa ng panibagong paglabag ang kontratista, ang susunod na hakbang ay magbigay ng mga suspensyon. May 2 magkaibang antas ang mga pag suspinde at ibibigay ng Studio Manager. Ang pag suspinde ay isang yugto ng panahon na ang isang kontratista ay aalisin mula sa server ng trabaho at hindi makakakuha ng trabaho mula sa Tonari hanggang sa mag-expire ang pag suspinde. Ibibigay ang mga petsa ng pag-expire ng pagsususpinde para sa mga paglabag. Pagkatapos ng petsa ng pag-expire, kakailanganing hilingin ng mga kontratista na maibalik sila sa server ng trabaho ng Tonari upang ipagpatuloy ang trabaho.

  • Unang Paglabag (Strike 2): 30 araw na pag suspinde
  • Ikalawang Paglabag (Strike 3): Permanenteng suspension

Sa paglagda nitong dokumento ng Patakaran at Pamamaraan ng HR, sumasang-ayon ka na sundin ang mga tuntunin at regulasyon nito.

___________________________________

Pangalan ng Kontratista

Petsa: